Home

News & Info

Re/Views

The Works

Gallery

Logbook

Links

Archive

. p o e t r y . . . back . forward

Marco Sardillo
A.B., B.S., T.B, AIDS, HIK. B.

Nag-aral ka pa.
Magpapakaputa ka lang pala.

Inaksaya mo ang apat na taon (sa kolehiyo).
Ang h	a	b		a rin no'n!  Tanga ka ba?

Tinapos mo nursing...
Ano ngayon ang inaalagaan mo?
Yang madumi mong budhi...
(At l
	a
		w
			l
				a
					w mong suso?)

Kung nakikita ka ng nanay mo...
Akala mo maaawa siya sa `yo?
Naku, kukurutin ka no'n sa singit!
Sabay bulyaw kung bakit ka
Nagkaganyan...
	KuMaKaReNgKeNg...

   Sa
lansangan.

Gusto mo kasing yumaman ano?
Madali kasi, papatungan
	         ka lang...
Ayos na!  Walang puhunan,
malaki pa ang patong mo -- papatong
lang		sa 	        iyo.
`Tang inang to!

Ito naman, oo -- yumuyuko ka pa!
Nahihiya pa raw.  Wala ka na no'n.  	Matagal
mo nang linunok iyon.  					
   Ilinuwa
mo na ang pagkatao mo.

Dati, nauubo ka kapag may usok (saling sa sigarilyo),
Pero ngayon, talo mo pa ang tambutso.

Lusyang ka na, Ineng.
May napala ka ba?			WALA.
Hindi ka na nga makapagsalita.  Hindi magkandaugaga.

Wala naman kasi silang pakialam sa'yo.
Basta't may iuuwi bang pera, di ba? 	SAKTO!

O ayan, may pera ka na nga.
Ikaw naman -- walang-wala.

. mail . logbook . copyright . back to top . back . Back to Heights On-Line . forward