Home

News & Info

Re/Views

The Works

Gallery

Logbook

Links

Archive

. p o e t r y . . back . .

_ Marco Sardillo
Kulang ng Pito, Sobra ng Walo

Tuwang-tuwa ka pa.
"Ay si Sharon pala ini", sabi mo.
Ang tanda-tanda mo na
hindi ka pa nahiya.

Ano ngayon kung si Sharon `yan?

Sa tanda mong `yan,
ba't `yan ang iniidolo mo,
kasing laki naman ng barko
na kanyang iniindurso?

Pakialam ko kung
"pala Big Mac" pala siya
basta mukhang tanga yang
si Ate Sha.

Mantakin mo ba naman,
habang kumakain siya doon,
habang kayo'y nagpipityurteyking,
lumabas ka lang ng McDo,
makikita mo na.
Harapin mo muna sila.

Labasin mo ang mga bata --
"kaunting barya lang ho, pogi"
Sasabihin nila.

`Yun lang naman, eh.
Mabubusog ba sila ni Sharon?
Hindi.

Tumigil ka, babaeng mataba.
Manahimik ka, babaeng masiba.
Tumingala ka upang mawala ang dobleng-baba.
Sige... hanggang ika'y madapa.

Pagbagsak mo,
Makikita mo ang totoo.

Tingnan natin ngayon
kung makakapag Big Mac ka pa.

Kung masisikmura mo,
makapal na lang talaga ang mukha mo
at ikaw nga'y hugis na ng barko.


. mail . logbook . copyright . back to top . back . Back to Heights On-Line . .